Wednesday, June 5, 2013

Shopping

Sale sa America Today!

So naisip ni mrs. na mamili ng pasalubong for everybody (mga kapatid ko atbp.) kaya nagkita kami sa Beurs. Kasama sina Bhart, Noli, Ateng at Dars. Kailangan namin magmadali dahil 6:00 pm magsasara ung store. Nakarating kme ng 5:20. Sa kapipili, inabot kame ng closing time so pwersahan kaming pinapila sa counter. Bayaran na nga daw namin ung pinagkukuha namin..

...itutuloy...

Tuesday, June 4, 2013

The Big Reveal

Wow, oh wow! Nakatutok si mrs. sa the buzz kanina. at naulanigan ko ung big reveal ni charice. Ang tindi mo talaga, dre. Sobrang bilib ako sa iyo, chong. Hayaan mo nga ung mga tatalikod sa iyo. Ang mahalaga naman, yung mga tang tunay na umiidolo at rumerespeto ano man ang desisyon mo - ay hindi ka iniwan sa ere di ba?
Si tito Boy, natanong ka pa nga - gusto mo daw bang magpakasal.. Aba'y OO naman, bakit hindi? Sa totoo lang, hindi tayo nagkakalayo ng kapalaran (nakanaman!). Kakakasal ko lang din dito sa Netherlands last February. At hindi ito haoshao na kasal - legal ito dude! At walang bullying, walang intriga, walang pakialamanan dito, men. Bawal magdiscriminate. Makukulong.
Kaya ang saya dba. Recognized ng pamahalaan. Kung baga sa baril, lesinsyado to, pare!

Naalala ko lang nung napadaan kme ni mrs. sa mediamarkt. plano namin na pumunta sa den haag dahil may bibilhin kami. pero kailangan namin dumaan doon para sa isang claim (binalik ko ung wasak na cellphone). Pag-akyat namin sa 2e floor, concert ni David Foster ung pineplay. Ang galing ng kumakanta, si Laura Fabian ata yun. Dahil first time ko lang sya nakita, tumambay kame sa harap ng tv. Hanggang sa maya-maya pinakilala ni David si Charice. Aaminin ko na hindi ko sya ganon kagusto (dahil sa mga balitang kumakalat na may attitude nga daw ang singer) pero gusto ko yung kanta nya at bilib ako sa boses nya. Pumapalakpak pa kami noon ni mrs. kasi syempre pinay yung kumakanta. Hanggang sa kumanta nga sya ng "My heart will go on", literal talaga na nakanganga kme. Tapos nung kinanta nya ung "All by myself" ndi namin napansin na dumami na pala ung tao sa tabi namin! Mga dutch pa nga, at pumapalakpak din sila. Yung iba naman, sumasabay sa kanta nya.

Sana hindi ito dito magtapos. Kung sa pagkanta mo madaming nainspire sa iyo, sana sa paglaladlad mo ng kapang pula - madami din ang sumunod na magpakatotoo din. Idol!




Monday, June 3, 2013

Oh yes!

So meron na ulit akong blog, dude! Promise chong, i-uupdate ko ito everyday.

Marami akong ikkwento sa iyo pare! Andami na kasing nangyari, mula ng lumipat ako mula Soyo, Angola hanggang dito sa Holand. Ganun pa rin nmn, buhay ofw.

Nga pala, nababadtrip ako sa pinanonood ni mrs kanina! PGT. As usual singer nnmn ang nanalo. Ano ba nmn ang laban ng drifting sa batang bumibirit diba? Wala. Wala.

Eto pa, si Charice. Bilib ako sa iyo, dre. Isa kang tunay na taga-taguyod ng lahing marangal. Inamin mo ang dapat aminin. At bakit ka nga naman mahihiya? Ito ang tunay na nararamdaman, dapat lang na ipagpunyagi at wag itago. Hindi sila o ang iniisip nila ang makapagpapasaya sa iyo. Ikaw. Ikaw lang.